neo
Posted June 28, 2009 by neo
Sinta

Mahirap palang iwasan ang isang tagpo
sa buhay at ang alaalang naiwan mo
Mahirap malaman na ikaw pa rin
ang pagibig,laman nitong damdamin

Di ko yata kayang iwanan ang isang kahapon
kasama tanging iniingatang pagkakataon
Ng makasama ang pinapangarap ko
pagibig na kala koy di maglalaho

Sa buhay lahat yata ay nagbabago
ang oras man ay laging tumatakbo
Gayun din pala ang yugto sa atin
akalay lagi, puso moy magiging akin

Mahirap limutin ang iyong mga ngiti
tamis na dulot iningatang sandali
Sayo lamang natutong magmahal ang puso
sayo rin natutong tanggaping magkakalayo

ahh! paalam na sa isang kahapon
paalam sa isang pagmamahal
muling maghihintay sa isang pagkakataong
lumisan ang lungkot na dulot ng isang ikaw

-regards sa kabatch ko dito sa filnet...
Tags: sinta
Comments
neo wrote at July 4, 2009
0 Votes
Quote:
Originally posted by: "madz
asus!! nag eemote ang lolo...


uyyy lola madz...zzuuup?
neo
madz wrote at July 1, 2009
0 Votes
asus!! nag eemote ang lolo...
madz
arjie wrote at June 28, 2009
0 Votes
neo...  mukha talagang mis na mis mo si sinta mo ahh.. 
sabagay di kita masisisi, hmmm...  ingat at sana'y muling magtagpo ang inyong landas sa malao't madali...
arjie